you're indescribable..: January 2006

Tuesday, January 24, 2006
「 .slashed. 23:06 」

jan 24... may quiz kami sa algtrig kanina... squater hindi ko naperfect yung quiz... sabi k pa naman din sa sarili ko perfect dapat ang first quiz ko para maset yung trend ng scores ko until the last quiz... hay badtrip... biruin mo last week pa ako excited sa quiz na yan, dahil gusto ko siya perfekin... tapos ngayon nadismaya ako kasi hindi perfect amputik... sana next quiz perfect na... hay... pinadala sakin laptop ko, hindi naman nagamit... eto na lang siguro for now... tinatamad na ko eh... sige gnyt...



Tuesday, January 17, 2006
「 .slashed. 11:16 」

Reaction to Office Ergonomics Training: Low Back pain ergonomics

Having low back pain is a problem most office workers and also students encounter when using their laptops or their desktop pc's at home or at their office. As for me, i also do encounter such problems, i feel pain on the lower part of my back, when i feel pain i tend to feel uneasy and lose interest in what i am doing. And also to those people who feel the back pain like me, they also tend to lose interest in what they are doing like office work etc..

To not feel back pains again, i tried to buy different computer chairs and computer tables.. I bought a lot of stuff but i concluded that you have to buy the right computer chair for you not to feel back pains again, the computer chair I have at home is probably the right computer chair because i do not feel back pains anymore.

Nico Madlangbayan
S16



kahapon, January 15, nagcelebrate ng debut ang isa sa mga close friends ko... Her name is Krista Lynn Zafra, ngayon ang totoong birthday nya pero kahapon nya cinelebrate dahil ngayon ay monday may pasok ang mga katauhan... simple lang yung celebration niya, open area yung place, lakas ng hangin, at good food. nandun yung family nya, relatives, a few college friends at siyempre ang obzite(pwede ba kami mawala? pag wala kami super tampo kami noh!). anyway... the night was still young, we witnessed a girl turn into a woman.. hayup! lalim...=) ang kadalasan na sumasama sa mga gala, kami kami rin yung bisita, pero ang pinakastar ng bisita ay si marjo(kahapon lang namin siya nakita mula nung graduation namin nung highschool April 10, 2005. shucks almost 9 months siya hindi nagparamdam!) well back to the party, ayun kainan at siyempre hindi pwede mawala ang 18 roses(kasali ako dun!), 18 candles, 18 balloons(kasali din ako pero nagulat nalang ako nung tinawag yung pangalan ko dahil biglaan, nagtawag nalang sila ng kung sinusino para maubos lang yung mga balloons sa paligid..), at 18 treasures.. after the program its party time, may tumugtog na live band na resident band nung venue. kumanta si baks, kai at keian. bumili ng san mig light si kai, ininom ni akim, dumating si jep, may dala isa pa bote ng san mig light, tpos biglang dumating ung dad ni krista may dala johnny walker red label, shet ang pangit ng lasa.. tpos nung medyo lampas kalahati na yung bawas sa red label dumating uli yung dad ni krista may dalang 2 bucket ng sam mig light, sa wakas may chaser na ko para sa red label sa pagit ang lasa.. nabitin ang lalamunan ko dahil around 12 pm sinundo na ko ng parents ko, sayang hindi ako kasama sa mga umubos ng johnny walker, pero bago ako umalis pinashot nila ako uli, siguro mga 2 shot un na pinagsama sa isang baso... nagpaalam na ako sa kanila, sumakay ako sa car namin, shet nahihilo ako...

sa wakas dumating na ko sa dorm... pagbaba ko sa car shucks nahihilo ako, umiikot ung paningin ko... kinuha ko yung luggage ko sa trunk nung car... hindi diretso yung lakad ko!!! kakahiya sa parents ko, baka akalain nila lasing ako... pagdating sa room, patay ang ilaw shet muntik na ko matalisod, nagpalit ako ng damit nag shorts at nag tshirt, gising pa pala yung mga roommates ko, bago matulog, konting gaguhan, palibhasa may tama ako kaya may pagkagago yung mga banat ko...

Happy Birthday Krista Lynn Zafra



Saturday, January 14, 2006
「 .slashed. 13:15 」

what a day... ngayon ay friday the thirteenth... minalas ba ko? hindi ata... siguro ang natatanging malas ko lang, ang tropa ko nasa sm ako wala dun, bad trip kasi yang NSTP na yan! dapat wala na nyan eh! ayan tuloy laging malungkot ang mga biyernes ko...

hay... isa nanamang walang kwentang araw... lugi ang pag business ko... hindi tuloy masyado kumpleto araw ko... bad trip pa dahil umulan, dahil sa ulan na yan hindi na ko nakapasok sa NETCOMM class ko, 20 minutes late ba naman, sobrang nakakahiya na pumasok ng classroom nun... sick fuck... sana okay lang na nag absent ako ngayon, siguro wala naman masyado diniscuss yung prof... mabait naman yung prof namin eh, sa sobrang bait madalas wala na nakikinig sa kanya, dahil baguhang prof lang siya dito sa La Salle hindi pa siya ganun kagaling magturo, medyo boring siya magturo, pero hindi naman sobrang boring, ang sobrang boring lang eh yung topic namin... tungkol sa computer networking yung subject na yun, diba ang boring? sama pa nun hindi namin masyado magagamit sa course namin yung subject na yun dahil madalas ang gumagamit nun yung mga computer science major... bad trip pampamahal lang yun ng tuition... dahil hindi ako nakapasok sa NETCOMM class nagtanong tanong ako kung ano ang ginawa nila, buti na lang nagdiscuss lang yung prof at buti na lang dahil ang pangit ng lesson ngayon, cables, yan ang topic nyayong araw na to, shet sobrang boring nun... buti na lang wala ako...

kanikanina lang katext ko si abi... tinanong ko sa kanya yung surname nang friend niya na nicole ang pangalan na dito sa dlsu-manila nagaaral, kasi baka siya yung classamate ko sa RELSONE namin na subject... ang liit nga naman ng mundo, siya nga yung friend ni abi... akalain mo naging kaklase ko pa... nasa sm siya nung katext ko siya, naghahanap daw siya ng gift para sa friend namin na magdedebut this sunday, nagulat daw dahil pagtingin niya sa tabi niya nandun si donna... sabi sayo ang liit ng mundo eh... tinext ko din si donna, nag hi ako tapos nangulit sandali natigil yung pangungulit ko dahil hindi na siya nagreply, baka nagalit sakin... magsosorry na lang ako bukas or sa sunday, siguro naman magkikita kami nun noh...

nakakaaddict pala ang pagkakaroon ng blog... naaadict kasi ako eh...=) bakit nakakaaddict? aba ewan...



Thursday, January 12, 2006
「 .slashed. 18:53 」

second blog entry ko... naguguluhan p rin ako sa pag aayos ng blog, ung mga pictures na nilagay ko, hindi lumalabas... ung mga links na nilagay ko, hndi p rin nababago... hay...

ok naman ang araw ko. masaya ang ALGTRIG, hndi boring ang ENGLONE, ang saya ng englone nmin eh, wla ung prof nmin sa english pero may seatwork, pero madali lng ung pinagawang seatwork samin... hehe..

at in fairness! ang HUTECIN nmin knina hndi masyado boring.. meron kasing pinakitang mga slides na mga optical illusion.. merong slide na kailangan makita mo sa buong picture ung 13 na mukha, sabi pag 13 nkita mo ok ang observation skills mo, pero pag above 13 above average daw... nkakita ako ng 14 faces... hehe.. edi ibig sabihin above average ang observing skills ko...=)

well... ya nlng sirugo for now... dagdagan ko nalang uli next time..



Wednesday, January 11, 2006
「 .slashed. 20:37 」

hndi ko akalaing magkakaroon ako ng blog... kung hndi dahil required sa isang subject namin ang pagkakaroon ng blog, hndi ako gagawa... sa mga hndi nkakakilala sakin, isa akong taong tamad magsulat at magbasa, kaya pag narinig ng mga tropa ko na may blog ako hndi sila kaagad maniniwala.
isang wlang kwentang araw... wednesday nnman, ang haba ng break, late ang uwian.. hay... lang kwenta... ginawa ko itong blog na to, ANG BAGAL NG INTERNET KO!!! dsl nga ubod ng bagal!!! pero nagpapasalamat ako sa blog na to at sa subject na HUTECIN dahil kung hndi dahil dito hndi ako mapapakabitan ng internet ng tatay ko..=)
hay...sana maging masaya ang blog ko...=)