you're indescribable..: February 2007

Wednesday, February 14, 2007
「 .slashed. 21:55 」

roses are red..
violets are blue..
walang konesksyon to..
but.. i love you!
napakacorny nung lines sa taas no haha..
so far, this is the best day of my life.. wanna know why? ganito kasi yon..

feb 14, 2007, woke up at around 7:30am, took a bath and did the usual things i do after taking a bath.. so around 10am, left the dorm and headed to dlsu-d to surprise a very special person.. nung sana shell ako, t*&^%a, kala ko d ako aabot ng 12nn sa dlsu-d dahil i got stuck on a trafic jam sa tapat ng shell(yung shell na madalas trafic). pero umabot naman ako, picked up the flowers sa imus then headed to dlsu-d. i arrived sa dlsu-d around 11:45am, siguro mga 10-15 mins ako naghintay bago dumating ang accomplice ko(thanks val!) ^_^

by the way.. maling val pa ang nacontact ko, ganito kasi yon.. tinanong ko kay paul kung sino ang kagroup ni donna sa dubbing project niya, sabi niya si val and teri, hindi ko naman alam na 2 pala ang val na kablock ni donna(isang val[yung hindi madalas kasama ni donna] at isang valerie[yung madalas na kasama ni donna], pareho valerie name nila pero magkaiba tawag ni donna sa kanila.), so nung nasa ms. a kami hiniram ko yung cellphone ni donna at nagnakaw ako ng cellnumbers, ang nakuha ko yung number ni val imbis na yung number ni valerie. pagkakuha ko ng number tinext ko na agad. sa unang text ko sa kanya, sabi ko wag niya sabihin na tinext ko siya concerning donna. pero sinabi niya parin kay donna, nagulat ako nung tinext ako ni donna "my tnetxt k dw n clasm8 ko?!" hindi ko alam irereply ko, kaya.. hindi ko siya nireplyan.. ^_^
but eventually kinausap ko uli si val kaya naging accomplice ko siya ^_^
back to the story.. pinuslit ako ni val with some of her friends sa dlsu-d, pinasakay niya ako sa green na revo tapos binaba ako sa jfh building.. edi umakyata na ako at sinurprise si donna. ^_^
dumating akong nagsasagot siya ng seatwork nila.. after nila ipasa yung seatwork umalis na kami ng dlsu-d at pumunta sa..

sm. pagdating dun, hinulog namin sa raffle box yung raffle coupons na ipinapahulog ni tita my kay donna, tapos kumain kami sa wendy's tagal namin kumain.. tapos after kumain we watched a movie. ghost rider yung pinanood namin, ang rating ko sa movie "pwede na" maganda narin pero sobrang predictable, ewan ko lang sa iba, basta ako napepredict ko yung mangyayari. after the movie umalis na kami tapos hinatid ko siya sa bahay nila dahil aalis pa daw silang pamilya..
nung pabalik nako sa dorm, nako naman! sumakay ako sa saulog na bus na luma at kadiri ung napwestohan ko dahil may, i mean maraming buto ng sampalok dun sa may bintana! kadiri! buti nalang hindi nadali ng siko ko!






siguro ang maganda title ng post na to ay: firsts
dahil.. first valentines day ko to na kasama ang mahal ko
dahil.. first ever date ko to
dahil.. first time ko nakasama si donna ng matagal ng kaming 2 lang
at dahil.. first real effort ko ito to make ligaw ^_^


happy valentines day sa lahat!
i love you.. donna..



Monday, February 05, 2007
「 .slashed. 18:05 」

haha new year na! ngayon lang uli ako nagpost, nonsense pa.. (^_^)




third term na, 10 or so weeks nalang bakasyon na! bakasyon agad nasa isip.. haha.. sige gusto ko lang iupdate ang blog ko kaya nagpost ako kahit nonsense..


ja ne! (by the way im studying japanese.. ja ne = see you)