you're indescribable..

Saturday, January 14, 2006
「 .slashed. 13:15 」

what a day... ngayon ay friday the thirteenth... minalas ba ko? hindi ata... siguro ang natatanging malas ko lang, ang tropa ko nasa sm ako wala dun, bad trip kasi yang NSTP na yan! dapat wala na nyan eh! ayan tuloy laging malungkot ang mga biyernes ko...

hay... isa nanamang walang kwentang araw... lugi ang pag business ko... hindi tuloy masyado kumpleto araw ko... bad trip pa dahil umulan, dahil sa ulan na yan hindi na ko nakapasok sa NETCOMM class ko, 20 minutes late ba naman, sobrang nakakahiya na pumasok ng classroom nun... sick fuck... sana okay lang na nag absent ako ngayon, siguro wala naman masyado diniscuss yung prof... mabait naman yung prof namin eh, sa sobrang bait madalas wala na nakikinig sa kanya, dahil baguhang prof lang siya dito sa La Salle hindi pa siya ganun kagaling magturo, medyo boring siya magturo, pero hindi naman sobrang boring, ang sobrang boring lang eh yung topic namin... tungkol sa computer networking yung subject na yun, diba ang boring? sama pa nun hindi namin masyado magagamit sa course namin yung subject na yun dahil madalas ang gumagamit nun yung mga computer science major... bad trip pampamahal lang yun ng tuition... dahil hindi ako nakapasok sa NETCOMM class nagtanong tanong ako kung ano ang ginawa nila, buti na lang nagdiscuss lang yung prof at buti na lang dahil ang pangit ng lesson ngayon, cables, yan ang topic nyayong araw na to, shet sobrang boring nun... buti na lang wala ako...

kanikanina lang katext ko si abi... tinanong ko sa kanya yung surname nang friend niya na nicole ang pangalan na dito sa dlsu-manila nagaaral, kasi baka siya yung classamate ko sa RELSONE namin na subject... ang liit nga naman ng mundo, siya nga yung friend ni abi... akalain mo naging kaklase ko pa... nasa sm siya nung katext ko siya, naghahanap daw siya ng gift para sa friend namin na magdedebut this sunday, nagulat daw dahil pagtingin niya sa tabi niya nandun si donna... sabi sayo ang liit ng mundo eh... tinext ko din si donna, nag hi ako tapos nangulit sandali natigil yung pangungulit ko dahil hindi na siya nagreply, baka nagalit sakin... magsosorry na lang ako bukas or sa sunday, siguro naman magkikita kami nun noh...

nakakaaddict pala ang pagkakaroon ng blog... naaadict kasi ako eh...=) bakit nakakaaddict? aba ewan...