Friday, November 23, 2007
wala naman akong ipopost na matino. maikli lang tong post na 'to. magyayabang lang ako ng konti ha? (no offense sa ibang batch ha)
CHAMPION PASICATCHAN'07 GROUP DANCING CATEGORY woohooo!!!
ganito kasi yon. sumali ako sa pasicatchan 2007 group dancing category. dati ko pa gusto sumali kaya lang meron ako iba plano noon. ngayon kasi labo labo na kaya nakasali ako. sa kasamaang palad, nanalo kami. joke! haha saya nga sobra! ang sarap ng feeling kapag hindi mo ineexpect yung panalo mo. ang results kasi fourth ang catch 2t11, third ang catch 2t8, second ang catch 2t10 tpos champion ang catch 2t9 (catch 2t9 ako, id 105 batch ng college of computer studies. yun ung tawag samin wag ka na makielam). edi yun nga panalo kami. ang nakakatuwa pa dun. nung inaanounce yung third place, meron pang nangyari. nagkamali ng kopya ng results. ang nakalagay dun sa paper na binigay sa mga hosts, catch 2t10 ang third place pero dapat catch 2t8. nung sinabing may error, kinabahan ako ng sobra kala ko kami yung malilipat dun sa third place tapos ang sabi pa, ung first at second place unanimous decision ng mga judges. nakahinga ako ng maluwag nung sinabing catch 2t8 ung third. edi nabawasan na ako ng tinik sa dibdib. ang ineexpect ko talaga na manalo catch 2t10, pano ba naman sobrang hiphop nung nagturo sa kanila, LSDC street pa! nakakaintimidate sobra. edi announcement na ng second place. napatalon talaga ako sa inuupuan ko nung sinabing catch 2t10 ung second eh! parang gusto ko nalang magtatalon ng magtatalon sa sobrang saya wahahaha!
wala un lang. masaya nako nun ehehehe. hindi ko talaga ineexpect. sarap ng feeling hanggang ngayon..=) by the way. nagtitinda kami ng tshirts. visit niyo nalang yung multiply site namin. meandyou2007.multiply.com place your orders through the multiply site or through the cell# na nandun sa site. thanks!
*hindi ko na inupload yung video. ilink ko nalang kapag may nagupload ng ibang tao ok?